Hakbang sa Ritmo: Ang Sining ng Tinikling
Ang Tinikling ay isa sa mga pinakakilalang tradisyunal na sayaw ng Pilipinas na hango sa maliksing galaw ng ibong tikling. Ipinapakita nito ang kasiningan, liksi, at pagiging malikhain ng mga Pilipino sa pagsabay sa tugtog habang umiilag sa dalawang kawayan. Sa pagsasayaw ng Tinikling, ito ay isinasagawa kasabay ng tugtog habang ginagamitan ng dalawang mahabang kawayan na pinapalo at binubuka ng dalawang tao na magkatapat. Ang mga mananayaw ay pumapasok at lumalabas sa pagitan ng kawayan habang isinasabay ang kanilang hakbang sa ritmo ng musika. Kailangan ng liksi at tiyempo upang hindi maipit ng kawayan. Ginagaya ng sayaw ang paggalaw ng ibong tikling na umiiwas sa mga patibong ng mga magsasaka. Ito ay hindi lamang isang simpleng sayaw na nagpapakita ng iba’t ibang galawan, kundi simbolo rin ng kultura at identidad ng mga Pilipino. Nagmula ito sa maraming kuwento na nagbigay-daan sa iba’t ibang pananaw at paniniwala noong panahon ng pamumuno ng mga Kastila s...